Hinuli ng mga operatiba ang nasa 30 na manggagawang intsik o chinese nationals ngayong 1:30 ng hapon sa KCC Mall of Cotabato, Rosary Heights 2 sa siyudad ng Cotabato.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Star FM Cotabato, hinuli ang mga chinese nationals sa pagiging iligal nito kagaya ng pagkakaroon ng mga expired passports, nagtatrabaho ng hawak ay Tourist Visa, kawalan ng Working Visa at iba pa.

Nagtatrabaho aniya bilang General Contractor at Subcontractor ng KCC Mall of Cotabato ang mga nahuling intsik. Nakatali aniya ang kamay ng mga nabanggit na indibidwal ng ito ay hulihin ng mga alagad ng batas.

Matapos na tipunin sa isang lugar at palinyahin, agad agad na isinakay sa mobile ng mga autoridad ang mga indibidual na nabanggit at dinala sa tanggapan ng NBI.

Wala naman aniyang harassment na naganap sa dalawang panig ng mga autoridad at ng mga iligal na manggagawang intsik.