Nagpulong ang mga kinatawan ng sektor ng seguridad, Civil Society, mga partido pulitikal at mga kawani ng Media sa BARMM region upang mapag usapan ang mga gagawin upang mapangalagaan ang boto sa paparating na kaunaunahang BARMM Parliamentary Elections at upang maproteksyonan ang kanilang hanay na tinatawag na mga Election Defenders laban sa abuso at iba pang karahasang pulitikal.

Ang pulong ay inorganisa ng Westminster Foundation for Democracy o WFD na isang Non Government Organization na nakatutok sa pagkamit ng mapayapa, eksakto at kapani paniwalang resulta ng halalang Bangsamoro.

Aniya, tuloy man o hindi ang First BPE sa rehiyon, mas minabuti na nilang pagusapan ang mga hakbangin upang maging matiwasay at mapayapa ang halalan.