Higit 70 katao ang nagsipagbakwit sa takot na madamay sa bakbakan sa pagitan ng dalawang gruponng mga private armies na sina Ben Tikao at Ustadz Guiahod sa pagitan ng Tukanalipao at Pimbalkan sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao del Sur.
Nagsimula aniya ang bakbakan ng alas onse ng umaga nitong linggo at tumigil din matapos ang tatlong oras. Di pagkakaunawaan ang naging sanhi sa ikalawang beses na bakbakan ng grupo.
Namagitan na rin aniya ang lokal na pamahalaan ng Mamasapano at napatigil ang mga ito sa bakbakan. Wala aniyang napaulat na nasawi o nasugatan sa nasabing bakbakan.