Dumulog sa kataas-taasang hukuman o Supreme Court ang labing anim na Bangsamoro Concerned Citizens at ang legal counsel nito na si Atty. Badrodin Mangindra upang kwestiyunin ang legalidad ng RA 11593 o ang pagextend sa Bangsamoro Transition Authority o BTA ng tatlong taon mula noong June 30, 2022 hanggang 2025 ng kaparehas na buwan at petsa.

Giniit ng mga petitioner sa inihain nitong petisyon na magkaroon sana ng plebsito kung magkakaroon sana ng pag-amyenda o pagbabago sa Bangsamoro Organic Law o BOL.

Layunin din aniya ng petitioners na maproteksyonan ang autonomiya ng Bangsamoro Government at upang di paglaruan o paghimasukan ng iba.

Bagamat number 23 nominee ng BGC o BARMM Grand Coalition at Miembro ng Al Ittihad UKB si Mangindra, nais nitong linawin na walang basbas ng partido ang ginawa nitong aksyon bagkus ito ay kanilang personal na kapasidad at konsensya na tumungo sa SC upang kwestiyunin ang legalidad ng naturang batas.