Nagsisimula sa basikong yunit ng lipunan na PAMILYA ang paghahanda sa anumang uri ng mga kalamidad.

Ito ang pagbibigay diin ni Office of the Civil Defense 12 Regional Director Raylindo Aniñon.

Payo ni RD Aniñon na gumawa dapat ng family disaster plan ang bawat pamilya na saklaw ang pagkakaroon ng mga emergency kits na tatagal ng tatlong araw, laman ang mga pangunahing pangangailangan kagaya ng pagkain, gamot at iba pa.

Mahalaga din aniya ang pakikinig sa mga ipinahahayag ng kinauukulan at ang pagiging alertado sa oras ng sakuna.

Dagdag pa aniya ang paghahanda sa pamamagitan ng trainings na mahalaga aniya para magkaroon ng sapat na kaalaman ang bawat isa sa pamilya.