Suportado ng apat na gobernador ng rehiyon ang napipintong pagpapaliban sa unang halalang pangparliamentaryo sa rehiyon sa darating na 2025.
Ito ay kinabibilangan nina Basilan Governor Jim Salliman, Lanao Sur Governor Bombit Adiong, Maguindanao Norte Governor Sammy Gambar Macacua at Tawi Tawi Governor Mang Sali.
Iginiit ng apat na maipagpaliban muna ang halalan upang magkaroon ng panahon para sa pagsasaayos ng mga electoral districts maging ang pagamienda sa BOL o Bangsamoro Organic Law.
Makokompromiso aniya ang integridad ng proseso ng halalan at mga tuntunin na nakasaad sa BOL kung magpapatuloy pa rin ang halalan sa ilalim ng naturang sirkumstansya bukod pa sa pagkabahala sa pantay pantay na representasyom ng mga nalalabing lalawigan sa BARMM at ang epekto ng naging SC ruling sa Sulu sa isinasagawang transition process.
Dahil dito, buong pagkakaisa nilang hinihiling sa kongreso na maipagpaliban hanggang May 2026 ang halalan upang makapagbigay ito ng komprehensibo at kapani paniwalang prosesong panghalalan.