Aabot sa 5.6 na gramo ng ipinagbabawal na droga o shabu ang sinira ng PDEA BARMM sa Jolo Sulu nito lamang Miyerkules. Ginanap ang pagsira sa Hall of Justice sa nasabing bayan.

Ang pagsira ng mga droga sa pamamagitan ng paghahalo nito sa semento ay isang paniniyak na hindi na ito mapapakinabangan pa ng makakakuha nito.

Ang mga nasamsam na droga na nagkakahalaga ng P38-M ay mula sa mga operasyon na isinagawa ng PDEA BARMM kontra iligal na droga sa Sulu mula pa noong 2022 hanggang sa kasalukuyang taon.

Sinaksihan naman ng mga kinatawan ng PDEA BARMM sa pangunguna ni RD Gil Castro ang pagsira kasama ang mga kinatawan ng Sulu Provincial Government, Sulu PPO, PNP Forensic Unit maging ang piskalya sa nasabing lalawigan.