Isang posibleng kaso ng Monkeypox (MPOX) ang iniulat sa bayan ng Malabang, Lanao del Sur.
Ayon sa IPHO-Lanao del Sur, kinukumpirma pa ito ng Epidemiology Bureau ng DOH.
Sa panayam ng Star FM Cotabato, sinabi ni Dr. Mohammad Ariff Baguindali, Chief of Hospitals ng IPHO-Maguindanao, na ang pasyente ay kasalukuyang inoobserbahan sa Amai Pakpak Medical Center.
Bagama’t di pa ito tuluyang kumpirmado, ayon kay Dr. Baguindali, wala pang kaso ng suspetsadong MPOX na naitatala sa mga pagamutan sa lalawigan ng Maguindanao.
Gumugulong na rin ang contact tracing o ang malalim na pagsisiyasat ng mga eksperto para matukoy ang mga huling nakasama o nakasalamuha ng pasyente.
Bagama’t hindi mapanganib o nakamamatay ang MPOX sa tao, maari itong maiwasan sa pamamagitan ng tamang paghugas ng kamay, lagiang pagdisinfect o sanitize ng katawan, pagpapalakas ng resistensya at pagkain ng tama at sapat maging ang pag-iwas sa mayroon o tinamaan na nito.