Natagpuang nangangamoy na ang bangkay ng isang senior citizen na babae sa mismong tahanan nito sa Barangay Poblacion 4 sa lungsod ng Cotabato.

Kinilala ang natagpuang bangkay na si Morinda Binaraw y Lastimoso, 80 anyos at residente sa nasabing barangay.

Natagpuan ang bangkay dakong alas 11 ng umaga kahapon kung saan nangangamoy na ito at inaagnas na.

Base naman sa pagiimbestiga ng mga kawani ng City Scene of the Crime Operatives o SOCO, namatay sa natural causes at walang foul play sa pagkamatay ni Binaraw.

Nagtatrabaho bilang volunteer sa isang simbahan sa lungsod ang nasabing senior citizen na si Binaraw.