Target na maipatupad ng Koronadal City LGU ang full implementation o ang agarang pagsunod sa ordinansa ukol sa Drug Free Workplace ng siyudad sa susunod na taon.

Ayon kay Cadac Action Officer Vicente De Jesus, ibig sabihin nito na maoobliga nang sumailalim sa mandatoryo na drugtest ang mga kawani ng naturang LGU.

Ayon kay De Jesus, magiging prayoridad sa gagawing drug testing ang mga empleyado na kinakakitaan ng senyales ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Kabilang sa mga senyales na ito ay ang pagiging huli o laging lumiliban sa trabaho, bigo na makuha o makamit ang ipinapagawa o ang target accomplishment, pagiging moody o pabago-bago ng ugali o pisikal na kaanyuan at nguya ng nguya kahit wala namang laman ang bibig.

Dagdag pa ng opisyal, maari rin aniyang gawin ang ganitong uri ng sistema sa mga Barangay Hall o sa iba pang mga sangay ng pamahalaan upang makatipid sa gastusin.