Pinag-aaralan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang mga panawagan na ipostpone o ipagpaliban muna hanggang May 2026 ang unang halalang parliamentaryo sa rehiyon na gagawin sa susunod na taon.
Ayon kay Pangulong Marcos, posible ang ganitong senaryo dahil may mga unintended consequences aniya na dapat plantsahin bago ituloy ang halalan.
Isa na rito ang naging desisyon ng korte suprema na nagbubura sa BARMM sa lalawigan ng Sulu.
Kung matatandaan, nagkakaisang sinang-ayunan ng iba’t-ibang mga opisyales ng BARMM ang postponement ng First BPE sa rehiyon ngunit tumaliwas naman dito ang mismong Chief Minister ng rehiyon na si Chief Minister Ahod Ebrahim at isinumite nito ang position paper na sumasangayon na maituloy ang eleksyon sa susunod na taon.