Naharang ng autoridad partikular na ng Pigcawayan PNP at ng mga katuwang nito ang daan daang kahon ng mga puslit na yosi sa Barangay Panatan kahapon.

Ayon sa ulat, tinatayang aabot sa 1.8 na milyong piso ang halaga ng nakumpiska sa suspek.

Sakay ng isang wing van ang nasabing kontrabando na minamaneho ng isang alyas Arnel, 22 na taga siyudad ng Dipolog.

Di pa aniya alam ng kapulisan kung saan galing ang kargamento na kung saan ito ay ipupuslit sa North Cotabato.

Inaalam pa rin ng kapulisan kung saan ang iba pang mga bagsakan ng sangkot na suspek habang ito naman ay nasa kustodiya na ng kapulisan at kakasuhan ito.