Umalma ang Mindanao Indigenous Peoples Council of Elders and Leaders o MIPCEL sa aniya ay lantarang pangigipit at paggamit ng contempt powers ng kongreso upang gipitin ang mga tao na aniya ay hindi makakasagot sa kanilang kagustuhan.
Matatandaan na nitong nakaraang linggo, cinite in contempt ni ACT Teachers Partylist Congresswoman France Castro si OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez na isa ring IP o Indigenous People dahil aniya sa pagsisinungaling nito sa kumite.
Ngayong araw, pinalawig pa ng kriminal na si Castro ang contempt ni Lopez na mula sa isang linggo ay dinagdagan pa ito ulit ng isa pang linggo kahit na ang naturang abogada ay nasa Veterans Hospital pa at nagpapagaling sa naganap sa kanyang trauma.
Kinukwestiyon din ng grupo ang patuloy na pagharap ni Congresswoman Castro na isang convicted criminal ng pangaabuso sa kabataan habang ang mga kabataan na inabuso nito ay patuloy na naghahanap ng hustisya.
Maalala na kasama siya at ni Ka Satur Ocampo na nadetine sa Tagum City dahil sa nasabing kaso.
Aniya, nakalulungkot na ginawa ito ng isang kriminal sa isang IP at nagawa pa nito na magdiwang ng maipakulong ito ang naturang COS.
Dahil dito, tinatawagan na ng grupo na binubuo ng mga IPS na sina Chairman Lipatuan Joel Unad na siyang Chairman ng MIPCPD, Bae Norma Rivera na tagapangasiwa ng MIPCEL, Bawan Jake Lanes ng MIPCPD at ang IP Lawyer na si Atty. Marlon Bosantog ang kagawaran ng katarungan na tignan ang kaso ni Castro at kung paano ito nakakakubli sa ngipin ng batas.