Naglabas ng Labor Advisory Number 4 ang Ministry of Labor and Employment o MOLE-BARMM hinggil sa magiging dagdag na kabayaran ng mga empleyadong magtatrabaho sa Nobyembre 30, Bonifacio Day.

Pirmado ni Minister Muslimin Sema ang nasabing kalatas. Para sa iba pang impormasyon at detalye ng Labor Advisory Number 4, pinaalalahanan ng MOLE ang mga interesante na silipin sa kanilang social media accounts upang makakuha ng kopya ng abiso.