Hindi kinatigan ng Supreme Court ang motions for partial reconsideration na inihain ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM government, at Office of the Solicitor General, at iba pa upang ibalik ang Sulu sa rehiyon.

Magugunitang kasabay ng pagdeklara ng Korte Suprema na konstitusyonal ang Bangsamoro Organic Law ay nagdesisyon din ito na hindi isama ang lalawigan ng Sulu matapos manalo ang botong No sa plebesitong isinagawa sa lalawigan.

Ayon sa pa sa Korte suprema, ang desisyon ay pinal na, immediately executory at hindi na rin mag eentertain pa ng further pleadings o apela.