Nangangamba sa posibleng epekto sa kanilang kabuhayan ang mga mag-uuma sa Columbio sa lalawigan ng Sultan Kudarat dahil sa pagbabago ng kulay ng tubig sa ilog ng Dalol.

Ayon sa pangulo ng samahan ng mga magsasaka na si Leo Rodel, mula pa noong taong 2015 nagsimula ang sitwasyon sa ilog at naging malaki ang pinsala nito sa kanilang kabuhayan.

Ayon kay Rodel, kung nakakapag-ani sila ng 80 sako kada ektarya, ngayon ay umaabot na lamang sa 25 ang kanilang naiaahon.

Dagdag pa nito, posibleng wala na ring silbi o umeepekto ang kanilang mga ibinobomba na abono o pestisidyo dahil na rin sa quality ng tubig sa ilog.

Sa ngayon, naghihintay na lamang sila ng utos o atas mula sa mga ahensya ng pamahalaan upang makagawa ng hakbangin sa problema sa kailugan.

Matatandaan na unang pumutok ang naturang kalagayan ng ilog ng may magbulgar sa social media nito.

Dahil umano sa illegal mining o pagmiminang iligal ang naturang kulay na nagmistulang pula ang tubig ng ilog.