Ipinagmalaki ng mismong ministro ng kalusugan na si MP Dr. Jojo Sinoliding ang mga hakbangin ng pamahalaang Bangsamoro partikular na ang mga lokal na pamahalaan at mga manggagawa nito sa kalusugan.
Sa naging pagdalo nito sa Kapihan sa Bagong Pilipinas kahapon, iniulat ng mibistro na base sa 2015 nutrition survey ng DOST-FNRI, ang rehiyong Bangsamoro ay nagtala ng 45.2 porsyento ng stunting rate o pagkabansot sa mga batang may 0 hanggang 23 buwan.
Idiniin naman ni Minister Sinoliding na mula sa tala noong 2015, ang stunting rate o pagkabansot sa mga bata sa rehiyon ay bumaba sa loob ng anim (6) na taon sa 36.6 porsyento noong 2021.
Sa kabilang dako, binigyang pagpapahalaga naman ni Sinoliding ang importansya ng pagkakaroon ng minimum acceptable diet sa mga kabataan para sa kanilang paglaki at kabuuang kalusugan.
Ayon kay Sinoliding, ito ang tinutugunan ngayon ng ahensya at naaangkop ang naging programa ng pamahalaang lebel upang malutas ang malnutrisyon hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong bansa.
Ang programa ng Pangulong BBM na nakatutok sa pagibsan ng malnutrisyon sa kabataan ay makakatulong na malaki upang maisalba sa bingit ng malnutrisyon ang kabataang pilipino.