Magkatuwang na pinangunahan ng opisina ni Minister of Parliament Atty. Suharto Teng Ambolodto, MNSA at ng Halal hindi Hangal Media Advocacy Group kasama rin ang Non-violence Peaceforce ang isang workshop para sa mga miyembro ng midya kahapon, Biyernes sa isang resort sa Lake Sebu, South Cotabato.

Layunin ng nasabing programa na madevelop ang epektibong information, education at mga istratehiya para sa communication campaigns pati na rin ang mga multimedia na mga materyales para mailunsad ang tahimik, maayos at kapanipaniwalang halalan sa lokal at parliamentaryo sa rehiyon.

Dumalo sa naturang pagtitipon ang mga media practitioners at mga social media vloggers na mula pa sa iba’t-ibang lugar sa BARMM.

Nagumpisa kahapon, Nobyembre 29 at magtatapos ito sa unang araw ng Disyembre sa araw ng linggo.

Naging resource persons sa day 1 ng naturang seminar si MP Ambolodto at ang batikang mamamahayag sa radyo na si Ginoong Jeff Mendez.