Trabaho lamang at pagsunod sa utos ng Pangulong Bongbong Marcos ang idiniin ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr na kausapin nito ang mga lokal na opisyal sa rehiyon ng BARMM.
Ito ang sagot ng gobernador kasunod ng pagakusa ni Maguindanao Sur Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa huli na nakikialam ito sa pulitika ng rehiyong Bangsamoro.
Aniya, bilang presidente ng Partido Federal ng Pilipinas, tinutuklas nila ang posibleng alyansa sa pagitan ng PFP at ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP.
Makailang beses ding sinabi ni Tamayo na bilang pangulo ng Partido ng Pangulong Marcos, mayroon din itong obligasyon sa kanilang mga miyembro sa rehiyon at sa buong pilipinas.
Pinunto pa ng gobernador na political matter na dapat panindigan kaya tumungo ito sa BARMM.
Sa alegasyon na pananakot at pagaudit sa mga LGU, dagdag pa ng gobernador na regular function ng COA o Commission on Audit ang naturang auditing at hindi dapat anya matakot ang mga ito.
Ani Tamayo, hindi dapat aniya matakot ang mga ito kung wala naman silang itinatago o winaldas sa kawalan na pera sa kaban ng gobyerno.
Sa huli, mahinahong nakiusap si Tamayo sa mga nagaakusa na gawin nilang maayos ang mga akusasyon at may basehan.