28 mula sa Bangsamoro Autonomous Region ang kabilang sa 37 na lugar na maituturing na election hotspots para sa darating na halalan sa Mayo 2025.
Inanunsyo ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pamamagitan ng kalihim nito na si Jonvic Remulla.
Bukod sa 28 na mula sa BARMM, mayroon ding mga hotspots sa 3rd at 4th district ng Leyte sa kabisayaan at ilang parte ng gitnang luzon.
Bagama’t nakakapanurpresa na kaunti lamang ang bilang ng hotspot kumpara noong nakaraang halalan, sinabi ng kalihim na hindi nito inaasahang magiging madugo ang prosesong demokratiko o halalan sa bansa.
Samantala kahit ganito ang senaryo, pinaghahandaan pa rin ng PNP o pambansang pulisya ang posibilidad na mangailangan ang bansa ng dagdag pwersa upang maitaguyod ang kaayusan at maiwasan ang karahasan na idinudulot ng halalan sa bansa.