Pinagpaplanuhan na ngayon ni Senator Juan Miguel “Migz” Fernandez Zubiri ang pagbalangkas ng panukalang magtatakda ng Plebesito sa Sulu kung nais umano ng mga lider na mapabilang ang probinsya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon sa Senador, dahil sa maayos na serbisyo at pamamahala ng regional government ng BARMM nagbago raw ang pananaw ng probinsya at kung nais nitong mapabilang sa rehiyong Bangsamoro.

Aniya, nakausap nito ang mga lider ng Sulu at napahayag umano ang mga ito ng pagnanais na mapasama sa BARMM dahil sa malaki rin ang naibibigay na suporta sakanila at gusto lamang nito na mabigyan ng oportunidad ang Sulu.

Dagdag pa nito, na nakasaad sa isang probisyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) na maaaring muling magsagawa ng plebesito kung ang isang lugar ay nais mapabilang sa BARMM.