“Huwag magpanic, ligtas kami”. Ito ang tinuran ng mga taga probinsya ng North Cotabato na nakatira o nanunuluyan na sa lalawigan ng Negros Occidental matapos na pumutok ang Mt. Kanlaon kahapon ng hapon, Disyembre 9.
Ayon kay Mark Sanchez na tubong M’lang, nasa limampu (50) kilometro ang layo ng kanilang pamamahay sa bulkan ngunit tanaw na tanaw sa kanilang bayan na Hinigaran ang pagsabog ng bulkan.
Sa naging FB live nito, bagamat na sila ay ligtas ay bakas pa rin ang takot ng ilang mga residente sa lugar dahil sa narinig na ugong at paggalaw ng lupa bago nagwala ang bulkan.
Kahit malayo aniya sila sa bulkan, di naman sila ligtas sa tindi ng amoy ng asupre at ashfall.
Mahapdi aniya sa mata at masakit sa ilong at dibdib ang baho habang punong puno na ng abo ang kalsada, mga sakahab maging mga sasakyan at kalye sa lugar.
Nag-abiso naman ang lokal na pamahalaan ng mga apektadong bayan na gumamit ng N95 mask, faceshields at anumang pantakip o pantabing sa mukha at bibig habang pinapalikas ang ibang mga nasa kabahayan na malapit sa nagwawalang Bulkang Kanlaon.