Binasag na ni Marawi City Mayor Majul Gandamra ang matagal na nitong pananahimik hinggil sa pagkakahuli sa bise alkalde nitong si Vice Mayor Anouar Abdulrauf.

Salaysay ng alkalde, kinausap pa ni Governor Bombit Adiong ang bise na wag munang lumaban sa halalan dahil sa mga kinakaharap nitong asunto at binalaan pa nito na huhulihin sya ng mga autoridad ngunit naging matigas ang ulo nito.

Wala aniyang nagawa ang alkalde na maprotektahan ang bise nito dahil sa tigas diumano ng bungo nito at mismong korte na ang nagtakda ng pagkakahuli nito.

Samantala, tila binalatan ng buhay sa publiko ng alkalde ang di nito pinangalanang advicer ng bise alkalde na ayon sa alkalde ay naninisi sa kanya sa pagkakahuli ni vice mayor Abdulraof.

Ayon kay Gandamra, naturingan pa namang mataas na opisyal ang di na napangalanang advicer ngunit wala itong ginawa ng nahuli na ang bise alkalde at nakatayo lamang daw ito sa opisina Ayon kay Gandamra, dapat ay pumili sana sila ng magaling na advicer para di ito malagay sa alanganin o indulto.

Dagdag pa ng alkalde na kahit may mga narinig ito na di maganda at masakit na salita at handa nito tulungan ang bise alkalde na malampasan ang mga problema nito.

Giit ng alkalde, di nila ugaling magmatapang at magharrass ngunit di aniya sya duwag sa pagtatanggol at paglaban para sa tao ng siyudad.