Mabilis na napansin ng mga netizens ang diumano ay pamamangka sa dalawang partido ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura.
Ito ay matapos na dumalo ang mambabatas sa naging leaders orientation ng partido na Serbisyong Inklusibo- Alyansang Progresibo o SIAP na mortal na katunggali ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP na partido ng naturang mambabatas.
Ang pagtitipon ng SIAP ay nilahukan ng mahigit sa 1,400 na liders na mula pa sa 37 na barangay ng siyudad at layunin nito na tipunin ang lahat ng tao ng SIAP para bigyan sila ng gabay sa nalalapit na halalan.
Ayon sa mga netizens, kwestiyonable ang naging hakbang ni Mastura dahil sa sumumpa ito sa UBJP at hindi sa SIAP. Dahil din sa nangyaring pagpunta ni Mastura, napaisip ang mga netizens kung karapat dapat nga ba itong pagtiwalaan sa susunod na halalan dahil sa diumano ay mediocre approach nito o pamamangka sa dalawang ilog.
Matatandaan na unang nanumpa sa BGC o Bangsamoro Grand Coalition ang nasabing kongresista at tumalon patungong United Bangsamoro Justice Party kasama ang mga kamaganak nito na si Sultan Kudarat Town Mayor at MDN Governatorial Candidate Datu Tucao at SK Town Mayoralty Aspirant Datu Shameem Mastura.
Si Congresswoman Mastura ngayon ang Provincial Chairman ng Lakas CMD sa nasabing lalawigan at siyudad.