Patay ang isang lola na fruit vendor matapos itong paulanan ng bala ng mga armadong lalaki sa sarili nitong fruit stand kahapon sa Purok 4, Poblacion, Carmen North Cotabato.

Sa ulat, kinilala ng mga kapulisan ang biktima na si Rufina San Alocelja, 63 anyos at residente sa nabanggit na bayan at lugat.

Sa inisyal na impormasyon, nagbabalat lamang ng tinda nitong prutas ang biktima sa fruit stand nito ng bigla na lang itong lapitan ng mga armadong lalaki na sakay ng motor na itim at pinagbabaril ito.

Naisugod pa sa pinakamalapit na bahay pagamutan ang biktima ngunit di na rin ito umabot ng buhay. Agad namang nagsagawa ng hot pursuit ang kapulisan at militar upang mabilis na mahuli ang mga suspek.