Malugod na ibinalita ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang pagkakabalik ng lungsod ng Cotabato sa pagiging first class city nito mula sa mahabang panahon ng pagiging ikatlong klase ng siyudad.

Ang naturang reklasipikasyon ay ayon sa Department Order 074 series of 2024 na inisyu ng Department of Finance o DOF.

Ayon sa alkalde, ang pagangat ng siyudad sa reklasipikasyon ay bunga ng magandang pasok ng income sa lungsod.

Nangangahulugan aniya ito ng maraming investments, proyekto at trabaho sa mga mamamayan at sa ibat ibang sektor ng siyudad.

Dagdag pa ni Matabalao, isa itong maagang aguinaldo o recognition sa mga trabahador ng Siyudad na nagsikap upang maibalik sa prestihiyosong First Class Reclassification ang lungsod.

Binati rin ni Matabalao ang mga Cotabateños na katuwang ng LGU na nagsikap na maabot ang naturang estado na nawala sa lungsod sa mahabang panahon.