The team of Bangsamoro athletes brings home several medals during the Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Friendship Games from Dec. 1 to 5, 2024 in Palawan. (Photo courtesy of BSC)

Nagpakita ng gilas ang mga batang atletang Bangsamoro sa 11th BIMP-EAGA (Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN Growth Area) Friendship Games 2024 na ginanap sa Puerto Princesa City, Palawan mula Disyembre 1 hanggang 5, 2024.

Ang prestihiyosong kaganapan ay nagtipon ng mga mahuhusay na atleta mula sa Brunei, Indonesia, Malaysia, at Pilipinas.

Nagpasalamat ang Bangsamoro Government sa pamamagitan ng Bangsamoro Sports Commission (BSC) at Bangsamoro Youth Commission (BYC) sa mga atletang Bangsamoro na nakapag-uwi ng walong medalya, kabilang ang isang gintong medalya, tatlong pilak, at apat na bronse, mula sa iba’t ibang kategorya ng paligsahan sa sports.

Mga Atletang Nag-uwi ng Medalya
Gold: Erika Said (Pencak Silat, Bebas Solo Creative Female)

Silver: Alrasheid Bara (Pencak Silat, Bebas Solo Creative Male)
Sharmaine Balabul (Pencak Silat, Seni Tunggal Female)
Shiela-Mae Usman at Nurpaina Juripae (Pencak Silat, Ganda Female)

Bronze: Nasrifah Esmayaten, Areej Andamun, at Sherry Valdez (Karatedo, Women’s Team Kata)
Dayang R-Yahada Mahadali, Fatima Leanndra Mae Tackong, at Rheanna Mae Tackong (Pencak Silat, Seni Regu Female)
Aljhomer Jimlan at Omar Nasul (Pencak Silat, Seni Ganda Male)
Aljibar Abdu, Alwalid Ahajan, at Bohenmian Rhapsody Tackong (Pencak Silat, Seni Regu Male)

Mga Pagkilala at Papuri
“The BSC takes great pride in their success at the recent Friendship Games, especially as it marked the historic first participation of BARMM, highlighting the region’s growing unity and strength through sports,” said the BSC.

Samantala, sinabi ng BYC na ang mga natatanging atletang ito, na nagmula sa iba’t ibang probinsya ng BARMM, ay hindi lamang nagpakita ng dedikasyon at pagmamahal sa kanilang mga isport, kundi nagbigay din ng malaking karangalan at pride sa komunidad ng Bangsamoro.

“Their remarkable achievements serve as an inspiration for future generations who share similar dreams in sports and strive for excellence,” the BYC post stated.

Ang susunod na BIMP-EAGA Friendship Games ay gaganapin sa Malaysia.