Pinangunahan ng mga Ministry, Opisina, at ahensya ng Bangsamoro Government, kasama ang iba pang mga stakeholders, ang opisyal na pagbubukas ng mga aktibidad para sa Shariff Kabunsuan Festival nitong Lunes ng umaga, Disyembre 16, 2024, sa Bangsamoro Government Center (BGC) sa Cotabato City.

Ang selebrasyon ay nagtaglay ng makulay na parada ng mga fluvial float na sinalihan ng mga iba’t ibang empleyado mula sa iba’t ibang sektor.

Pinangunahan ni Cabinet Secretary Mohd Asnin Pendatun ang pormal na pagbubukas sa pamamagitan ng pagtama sa gong, kasunod ng isang ribbon-cutting ceremony para sa Trade and Agri Exhibit na ginanap sa harap ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) sa BGC.

Ang Shariff Kabunsuan Festival ay isang taunang pagdiriwang na naglalayong ipagdiwang ang kultura, kasaysayan, at mga tagumpay ng Bangsamoro Region.