Mahigpit nang ipagbabawal ng Regional Civil Security Unit o RCSU ng PRO-BAR ang paggamit ng mga nakabibingi at malalakas na uri ng paputok ngayong holiday season.

Kabilang na rito ang Goodbye Bading, Goodbye Earth, Goodbye Universe, Hello Columbia, Goodbye Delima at iba pa na nagsisimula sa tawag na Goodbye.

Kabilang din sa iba pang mga bawal ang nakamamatay at nakalalasong Watusi, Piccolo, Poppop, Five Star, Plapla, Lolo Thunder maging ang Giant Bawang, Giant Whistlebomb at iba pa.

Mandato ng Executive Order 28 at Batas Republika bilang 7183 ang nasabing pagbabawal ayon sa RCSU. Maaring magmulta ang mga indibidual na gagamit o magbebenta ng mga ito ng 20,000 hanggang 30,000 at makukulong mula anim na buwan hanggang isang taon.

Paalala ng pulisya, gumamit na lamang ng torotot ang publiko o gumamit ng mga pampaingay gaya ng kaldero, busina at iba pa upang salubungin ang kapaskuhan at maging ang bagong taon.