Inirekomenda ng Commission on Audit ang paghohold ng sahod ng mga opisyales ng Departamento ng Edukasyon o DEPED na responsable sa mahigit Php 6.96 billion na halaga ng unliquidated Cash Advances.

Inirekumenda rin ng COA ang mas mahigpit na hakbangin kabilang na ang paghold sa sweldo at pagpapataw ng multa sa mga opisyal ng kagawaran na responsable sa unliquidated CA’s na hihigit sa nasabing halaga as of December 31 noong nakaraang taon.

Sa naging annual report para sa taong 2023 ng komisyon, sinita nito ang inaksyon ng kagawaran na gawin at sundin ang mga batas at regulasyon na nagbunga ng mga naipon na unliquidated CAs.

Nakita rin sa naturang pagsita ang pagbibigay ng CA kahit walang matibay na kapangyarihan ang pagbibigyan nito, paglipat ng pondo, at ang pagbabayad ng SRI sa pamamagitan ng CA imbis na ibigay ito sa takdang panahon o petsa.

Kabilang ang mga rehiyon ng Region VII (Central Visayas) : 1.31 billion, Region VIII (Eastern Visayas): 1.01 billion, Region XII (SOCCSKSARGEN): 819.4 million, Region IX (Zamboanga Peninsula): 537.1 million, Region VI, (Western Visayas) : 513.9 million, habang ang NCR (National Capital Region): 301.9 million.

Payo ng COA sa ahensya, wag nang gawin ang mga bagay na ginawa na sa nakalipas na taon at wag mangdalawang-isip na magpataw ng parusa sa mga empleyado na magpapalusot muli ng ganitong mga unliquidated CA’s.