Isa sa apat na matapang na naghayag ng kanyang disgusto si Basilan Congressman Mujiv Hataman sa House Bill 11144 na naglalayong ireset ang kaunaunahang halalan na regular sa BARMM Region.
Sa naging eksplanasyon nito ng kanyang NO vote sa plenaryo, ipinaliwanag ni Hataman na ang dahilan ng kanyang pagboto ay dahil sa kakulangan ng malawakang konsultasyon hinggil dito.
Hindi rin aniya nakuha ang panig o sentimento ng publiko at wala ring naging batayan sa mga pangunahing sektor kung sila nga ba ay pabor o hindi sa pagpapaliban.
Binigyan diin din ng beteranong mambabatas ang possible side effects ng pagdesynchronize ng naturang halalan na banta umano sa mga institusyon at matatag na demokrasya ng rehiyon.
Dagdag pa ni Hataman, babalik ang Feudal System sa rehiyon kung hindi isasabay ang halalan ng BARMM sa regular na national elections kung saan didiktahan ng mga makapangyarihang personalidad mula sa Imperial Manila ang mga opisyal na tatakbo sa rehiyon.
Kahit na nagbabala na sa kanyang mga kasamahan, hindi pa rin nakumbinsi ni Hataman ang kanyang mga kasama dahil sa 198 ang apirmatibo o bumoto ng pabor at 4 ang bumoto ng pagtutol kung kayat mabilis itong nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa ng makipot na kapulungan.
Dahil sa naging pagkakapasa, gagawin na sa Mayo 11,2026 mula sa orihinal na petsa na May 12, 2025 ang First BARMM Parliamentary Elections.