Wag nang magpaputok at gumastos para rito sa pagdiriwang ng holiday season. Ito ang paulit-ulit na paalala sa publiko ng IPHO o Integrated Provincial Health Office -South Cotabato sa mga magulang ng mga bata maging sa publiko.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr. at ayon na rin sa datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit ng IPHO, higit sa tatlumpu (30) ang naitalang nasaktan dahil sa paputok sa lalawigan noong 2023 na ayaw nilang maulit ngayong papasok na taong 2025.

Panawagan naman ng IPHO, imbis na magpaputok ng sariling paputok, manood na lamang at makisaya sa mga fireworks display na kalimitang napapanood sa mga plaza o panulukan na wais, ligtas at walang gastos na makukuha at wala ring aray at putol ng daliri o anumang parte ng katawan.