May paglilinaw si MILG – BARMM Minister Atty. Sha Elijah Dumama-Alba na nasa mga palad parin ng Pangulo ng Pilipinas ang pagtatalaga ng mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) at ng Interim Chief Minister.

Posibleng gamitin ng Pangulo ng bansa ang kanyang kakayanan o kapangyarihan upang mag talaga ng mga panibagong miyembro ng BTA kung sakali mang matuloy ang resetting ng kauna-unahang BARMM Parliamentary Election.

Maaring tanggalin o kaya’y palitan ang sino mang Miyembro ng Parliamento na hindi alintana kung may panukalang batas o wala dahil labas ito sa hurisdiksyon at prebiliheyo ng mambabatas at tanging ipinagkaloob lamang ang naturang awtoridad sa Pangulo.

Iyan ang naging pahayag ni MILG – BARMM Minister Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, matapos syang matanong kung may posibilidad bang magtalaga si Pangulong Bongbong Marcos Jr. ng mga myembro ng BTA kung maging ganap na batas ang resetting ng First BARMM election sa susunod na taon.