Umakyat na sa 83 ang kaso ng nagpositibo sa sakit na HIV-AIDS o Human Immunodeficiency Virus-Acquired Immunodefeciency Syndrome sa BARMM at Cotabato City ngayong taon.

Sa 83 na kaso, 39 ang naitalang HIV positive na mula sa lungsod o inside of Cotabato City habang ang 44 ay nagmula sa iba’t-ibang lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.


Apat (4) sa mga positibo ay babae, 7-lalaki, 71-MSM o Male Sex with Male, at 1-Unknown.

Sa naging panayam ng Star FM Cotabato kay Dr. Harris R. Ali ang Chief Officer ng Cotabato City Health Office, tumaas ngayong taon ang bilang ng nagkakasakit at nasa kasalukuyang mangilan-ngilan ang sinasabing mga suspected patients ng HIV na ngayon ay nasa tanggapan ng Cotabato Regional Medical Center o CRMC.

Ani Dr. Ali mas dumadami ang bilang ng mga nagkakasakit na nasa edad na 20 years old na karamihan ay napapabilang sa same sex relationship.

Dagdag din nito na kaunti lang ang dumadalo sa nasabing HIV Test at free check up dahil ang ilan ay takot sa magiging resulta ng nasabing test.

Samantala, bukas ang tanggapan ng City Heath Office para sa mga nais na mag pa HIV Free test.