Opisyal nang isinalin ng MAFAR PRDP o ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform Philippine Rural Development Project Regional Project Coordinating Office BARMM ang nasa P12.7-M na halaga ng proyektong Trading Post at tatlo pang warehouse na may solar dryers na nagkakahalaga ng P5.6-M bawat isa sa mga barangay na sakop ng Lumbayanague, Lanao del Sur.

Layunin aniya ng nasabing proyekto na magkaroon ng mas maayos na merkado ang mga magsasaka at pasilidad upang makapagimbak at patuyo ng kanilang inaaning tanim.

Matatagpuan ang nasabing trading post sa Barangay Kabasaran habang ang mga warehouses nito ay sa Barangay Bualan, Wago at Miniros. Naging matagumpay ang proyekto sa pamamagitan ng pagpopondo rito ng World Bank Second Additional Fund at European Union Co Financing Grant.