Kung may umutot man sa tabi o sa mga kasama mo, wala kang dapat ikagalit o ikainis bagkus matuwa ka pa nga at magpasalamat.
Alam nyo ba mga StarNation na sa bagong pagaaral ng University of Exeter sa bansang Inglatera, ang pagsinghot sa hydrogen sulfide na syang component ng utot ay makakatulong upang makaiwas sa tinatawag na mitochondria damage.
Ang pagaaral na nasa Medicinal Chemistry Communications Journal, sinasabi dito na ang hydrogen sulfide gas na tinatawag na component ng utot ay makakatulong upang magamot ang ibat ibang uri ng karamdaman.
Ayon pa sa propesor ng unibersidad na si Dr. Mark Wood, ang Hydrogen Sulfide na kilala sa pagkakaroon ng matapang na amoy ay ang natural na pinoproduce ng ating katawan at ito ay subok na pangiwas din sa cancer, strokes, heart attacks, rayuma o arthritis at dementia o ang tuluyang pagkawala ng memorya.
Ngunit pinaalala naman ng mga sientipiko na delikado ang sobra sobrang pagsinghot ng Hydrogen Sulfide pero kung ito naman ay makukuha sa utot, di naman ito magdudulot ng problema sa makakaamoy o sisinghot.