Umarangkada na ang BOSS 2025 o ang Business One Stop Shop ng Datu Odin Sinsuat LGU sa lalawigan ng Maguindanao del Sur.
Ang naturang One Stop Shop na nagaacommodate o tumatanggap ng bagong aplikasyo at renewal ng Business Licenses and Permits ay nagsimula noong Enero 7 at matatapos hanggang Enero 17, 2025.
Matatagpuan ang nasabing BOSS sa Municipal Covered Court, Poblacion Dalican sa nasabing bayan. Dahil dito, hinihikayat naman ng BPLO-DOS ang mga taxpayers at business establishment owners na magpunta na ng maaga upang maaccomodate ang kanilang aplikasyon at upang maiwasan ang multa ay abala sa kanilang paghahanapbuhay.