Namumutiktik sa dami ng fixed, mobile at spot COMELEC checkpoints ang lungsod ng Cotabato upang masiguro na walang magpupuslit ng armas at iba pang ipinagbabawal ngayong sumapit na ang Election Period kahapon, January 12.

Sa tala ng Cotabato City PNP, 11 na fixed, 14 na mobile at spot COMELEC checkpoints ang nakakalat sa ibat ibang bahagi ng Cotabato City. Mismong ang direktor ng rehiyon na si PRO-BAR Regional Director PBGen. Romeo Macapaz at City PNP City Director Col. Jibin Bongcayao ang nanguna sa pag-deploy ng mga checkpoints sa mga areas of responsibility na nasasakupan ng Presinto Uno, Dos, Tres at Quatro sa lungsod.

Ang mga checkpoint na nakakalat sa lungsod ay alinsunod sa Nationwide Comelec Gun ban ngayong election period at alinsunod na rin sa naging pagkakasali sa RED category ng lungsod sa mga Election Areas of Concern ng komisyon.

Photo Credits to Cotabato City Police Office.