Nasa lalawigan na ng Cebu ang mahigit sa 600 na mga atleta at mga personahe ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE)- BARMM para makilahok sa gaganaping Palarong Pambansa 2024 na syang taunang kumpetisyon sa palakasan ng bansa.
Kabilang sa mga nanguna sa delegasyon ng rehiyon ay sina MHBTE Minister Mohagher Iqbal at Bureau Director for Physical Education and Sports Development Dr. Yusoph Thong Amino.
22 main sports at 4 special games ang lalahukan ng mga batang Bangsamoro kabilang na dito ang badminton, swimming at athletics kahit sa kabila ng wala pang rubberized track and field ang rehiyon.
Maguumpisa ang Palarong Pambansa sa susunod na linggo mula Hulyo 9 na syang pagbubukas hanggang sa pagtatapos nito sa Hulyo 16.