Nanawagan na ngayon sa Palasyo ng Malacañang at Senado na siyang malapad na kapulungan ng Kongreso si Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity Secretary Carlito G. Galvez hinggil sa kung ano ang magiging desisyon nito sa nakaambang na pagpapaliban ng kauna-unahang BARMM Parliamentary Election sa May ng kasalukuyang taon.

Sa panayam ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ sa kalihim, sinabi nito na nararapat nang madaliin ng mga mambabatas ang kanilang desisyon kaugnay sa magiging halalan sa rehiyon.

Ito ay upang mapaghandaan ng ahensya ang mga hakbangin na gagawin para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon at mapanatili ang imahen nito bilang pandaigdigang modelo ng kapayapaan o International Model of Peace.

Dagdag pa ng kalihim na nawa ay makita ng senado at ng palasyo ang kahalagahan ng pagiging kagyat na maipasa ang naturang panukala at dapat ay mapagdesisyunan na ito upang mawala ang agam agam o tinatawag na impasse sa mga mamamayan.

Mayroon na lamang na apat na linggo ang kongreso upang maipasa at ratipikahan ang panukala bago ang nakatakdang adjournment ng sesyon sa February 7, 2025 bago pa magsimula ang unang araw ng kampanya sa February 12, 2025.