Hindi na nakapagtimpi at bumanat na si Former BTA Member of Parliament at UBJP Vice President Datu Mibpantao Midtimbang Sr. sa mga opisyal ng labing isang Barangay sa Datu Hoffer sa Maguindanao del Sur kaugnay ng diumano’y cover-up o pagtatakip sa katotohanan ukol sa mga krimen na nagaganap sa nasabing lugar.

Ayon kay Midtimbang Sr., may mga opisyal na self interest o pansariling kapakanan lamang ang iniintindi.

Ang mga di makatuwirang gawain na ito ayon sa dating opisyal ay nagdudulot ng takot sa lugar partikular na sa mga Indigenous People (IP) na dating namumuhay ng tahimik at mapayapa sa nasabing bayan.

Hindi rin nakaligtas sa pagpuna ng dating mambabatas ang hindi makatarungan na pangaapi sa mga IP na ayon sa kanya ay dulot ng pamumulitika sa naturang lugar.

Sa huli, humiling si Midtimbang Sr. ng pagkakaisa at wag gawing dahilan ang pulitika dahil damay sa kanilang away ang mga kawawang sibilyan.

Nanawagan din ito sa mga lider at opisyal ng bayan ng Datu Hoffer na kumilos at makipagtulungan upang mapanatili ang kapayapaan at katahimikan sa nasabing bayan.