Sa gitna ng mga matagumpay na laban ng militar laban sa mga terorista at iba pang mga banta sa ganap na kapayapaan at seguridad na pangkalahatan nitong nakaraang taon, muling nagpahayag at idiniin ni WestMinCom Commander Lieutenant General Antonio Nafarette na prayoridad pa rin ng kanilang hanay ang paglansag sa mga remnants o latak ng mga Communist Terrorist Groups at pagpapahina sa mga lokal na teroristang grupo sa kanilang sakop na Area of Responsibility.

Ito ang isinambit ng opisyal na siya ring Commander ng 6th Infantry Kampilan Division at JTF Central sa New Year’s Call nito kamakailan.

Ayon kay Lieutenant General Antonio Nafarette, hinihikayat nito ang lahat ng personahe ng militar na magkaisa upang madagdagan pa ang marami nang naging tagumpay ng kanilang hanay ngayong taon.

Kasama sa naging New Year’s Call ang mga Commanders, Opisyales maging ang mga Enlisted Personnels ng Joint Task Forces, Military Brigades, Major Component Units, Operational Control Posts at Tenant Units.

Sa mensahe ni Nafarette, sinabi nito na magpapatuloy ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas o ang AFP sa pagtugis sa mga personahe o grupong sangkot sa mga gulo at banta pa rin sa kapayapaan sa Muslim Mindanao.

Hinikayat nito ang mga kabaro sa WestMinCom na maging tapat sa pagsisilbi at patuloy na magsilbi at magalay ng talino lakas at galing para sa taumbayan at sa bansa.

Isinagawa ang naturang New Year’s Call sa Camp Navarro, Calarian sa Lungsod ng Zamboanga.