Hindi lang si Konsehal Hunyn Abu ang nahaharap sa kaso, kundi pati na rin ang iba pang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Ayon kay Cotabato City Councilor Hunyn Abu, may mga isinampang kaso laban kay Vice Mayor Johari “Butch” Abu at sa ilang konsehal si Cotabato City Mayor ‘Bruce’ Matabalao. Kabilang sa mga reklamo ang Grave Abuse of Authority, Oppression, Usurpation of Official Functions, Grave Misconduct, at Dishonesty.
Ang mga kasong ito ay inihain sa opisina ng Tanodbayan o Ombudsman noong Oktubre 21, 2024, kasabay ng naunang reklamo laban kay Konsehal Hunyn Abu.
Sa pahayag ni Konsehal Abu, sinabi niyang hindi na sila nagulat sa mga hakbang na ito ng alkalde. Ayon sa kanya, posibleng ito ay may kinalaman sa pagiging kalaban ng kanyang kapatid na si Vice Mayor Butch Abu sa pulitika, lalo na’t tumatakbo ito bilang mayor ng lungsod.
Dagdag pa niya, bilang pinuno ng Komite sa Finance at Appropriations, hindi sila nagpapadala sa anumang pressure mula sa kampo ni Matabalao.
Samantala, tiniyak naman ng kampo ni Abu na haharapin nila ang mga kaso nang buong tapang at nagtitiwala sila sa sistema ng hustisya ng bansa.