Pinangunahan ng 6th Infantry “Kampilan” Division sa pamamagitan ng 1st Marine Brigade at 6th CMO Battalion, COMELEC at PNP Political Candidates Forum o patawag na dinaluhan ng mga kandidato sa lungsod ng Cotabato.
Ginawa ang nasabing forum sa punong tanggapan ng Marine Battalion Landing Team sa Rosary Heights 9 nitong siyudad.
Kabilang sa dumalo ang mahigpit na magkatunggali na sina United Bangsamoro Justice Party standard bearer at incumbent Mayor Bruce Matabalao at Vice Mayor Butch Abu ng SIAP.
No show o hindi naman nakadalo sa nasabing patawag si Nationalist Peoples Coalition Cotabato City standard bearer at dating City Mayor Atty. Cynthia Guiani.
All smiles at tila wala lang kina Matabalao at Abu ang tindi ng kanilang labanan sa pulitika dahil sa pagkakasundo nito sa layuning maging mapayapa at maayos ang eleksyon sa Cotabato City.
Kapwa naman inihayag sa pamamagitan ng kanilang mga pinirmahang kasunduan ng magkabilang kampo na makakatulong ng labis ang candidates forum upang maging ganap ang kapayapaan at kaayusan sa paparating na eleksyon sa lungsod.
Matatandaan na kabilang sa red category ng areas with special concern ng kumisyon sa halalan ang lungsod ngayong paparating na may 2025 elections.