Sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang urgent ang panukalang batas na magpapaliban sa unang halalan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero.
“May sinertipikahan si Pangulong Marcos na postponement ng BARMM election,” pahayag ni Escudero sa isang press conference.
Hindi tinukoy ni Escudero kung ang sinertipikahang panukala ay mula sa Senado o Kamara.
Ang bersyon ng Senado, na kasalukuyang nasa ikalawang pagbasa, ay nagmumungkahi na ilipat ang halalan mula Mayo 11, 2025, patungong Agosto 11, 2025.
Samantala, ang bersyon ng Kamara ay nagmumungkahi na iurong ang halalan hanggang Mayo 2026.
Ayon kay Escudero, kinakailangan ang pagpapasya bago mag-adjourn ang Kongreso, upang masigurong may sapat na oras kung ipagpapaliban ang halalan.
Dagdag pa ni Escudero, maaring amyendahan ang bersyon ng Senado upang bigyan ng limang buwang palugit ang halalan.
Ito ay base sa rekomendasyon ng mga opisyal ng seguridad at dahil sa pagsasaayos ng mga proseso kaugnay sa pagkalabas ng Sulu mula sa BARMM.
Si Escudero ang pangunahing may-akda ng panukalang batas sa Senado, na isinulong base sa hiling ng Palas