Matagumpay na naaresto ng mga operating unit ng RACU BAR at Digital Forensic Section, kasama ang tracker team mula Sultan Kudarat MPS, Parang MPS, PIU, MDN PPO, at PISOG, ang isa sa mga most wanted sa rehiyon ng Bangsamoro noong Hulyo 3, 2024, sa Brgy. Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte.
Ang naarestong suspek, isang 23-taong gulang na call center agent, ay dinala sa kustodiya para sa mga kasong kriminal na may numero R-DVO-23-05586-CR hanggang R-DVO-23-05613-CR (28 kaso) para sa paglabag sa “Computer-related Fraud” sa ilalim ng Seksyon 4 (B)(2) ng RA 10175.
Ang akusado ay kasalukuyang nakadetine sa Parang Municipal Police Station, habang naghihintay ng karagdagang disposisyon at dokumentasyon ng kanyang kaso.
Samantala, pinuri ni PBGEN PREXY D TANGGAWOHN, Acting Regional Director, PRO BAR, ang walang pagod na pagsusumikap ng mga operatibong yunit na nagdulot ng matagumpay na pagkaka-aresto. “Ang pagkaka-aresto na ito ay isang malaking tagumpay sa ating laban kontra cybercrime, na nagpapakita ng walang humpay na dedikasyon at mabisang koordinasyon ng ating mga ahensyang nagpapatupad ng batas upang masiguro na makamit ang hustisya,” ani Tanggawohn.