Isa na namang serye ng pamamaril ang naitala ng mga otoridad na ang sangkot ay isang miembro ng CAFGU sa bayan ng Buluan, Maguindanao del Sur kagabi, Martes.

Kinilala ang biktima na si Benjie Uyag, CAFGU Member, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Tumbao.

Base sa paunang imbestigasyon, walang kaaba-abang binaril ang nasabing si Uyag na mapalad na nakaligtas sa insidente.

Iniimbestigahan na ng kapulisan sa Buluan ang nasabing pamamaril at kung anong motibo ng tangkang pagpatay kay Uyag.