Patay ang isang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos itong pagbabarilin kahapon ng tanghali sa Purok Capitol West, Kalawag 2 sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.
Kinilala ang biktima na si Jose Dasalla, 51 years old at residente ng President Quirino ng nabanggit ding lalawigan.
Nakuha ng imbestigador ng SOCO ang apat na basyo ng kalibre 45 pistola.
Batay sa kuha ng CCTV, naglalakad lamang ang biktima ng barilin ito ng malapitan o pointblank ng riding in tandem na nakasakay ng Bajaj Motorcycle.
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon at paghabol sa mga suspek ang PNP Isulan upang mabigyang hustisya ang pagpanaw ng biktima.