Inulan ng suporta ang panukalang batas na naglalayong pagkalooban ng Civil Service Eligibility Grant ang mga non-permanent employees ng BARMM na nakapagsilbi nang hindi bababa sa sampung (10) taon.

Ito ay inihain ni sa parlyamento ni Member of Parliament Marjanie S. Macasalong na ayon sakanya ay tugon sa mas matatag na seguridad at oportunidad sa trabaho sa rehiyong Bangsamoro.

Ang Proposed Bill No. 345 o “An Act Granting Civil Service Eligibility under certain conditions to Bangsamoro government employees appointed under job order, contract of service, casual or contractual status who have rendered a total of ten (10) years of effecient, and for other purposes”, malaki umanong tulong ito sa pagbibigay ng kasiguraduhan sa trabaho sa mga non-permanent employees.

Binigyang-diin ng may akda ng panukala na si MP Macasalong ang kahalagahan ng pagsasabatas ng panukalang ito.

Aniya, ang mga empleyado ng BARMM ay nararapat sa katatagan at pagkilala para sa kanilang mga taon ng dedikadong serbisyo sa pamamagitan ng pinahusay na seguridad at mga oportunidad sa paglago.

Dagdag pa nito, na dapat mapansin ang kanilang pagsusumikap. Sa katunayan aniya, dapat itong gantimpalaan.

Sa ngayon, sasailalim sa masusing konsultasyon ang nasabing panukala upang matiyak na maisasakatuparan ito nang maayos at epektibo.