Arestado ang magkasintahang sina alyas Jay-Jay at alyas Rosila matapos silang mahuling ginagamit ang pitong menor de edad sa mahahalay na video para kumita ng pera mula sa mga dayuhan.
Sa operasyon ng mga pulis sa Iligan City, nailigtas ang pitong bata—anim na lalaki at isang babae—kasama na ang anak mismo ng mga suspek.
Agad silang inalagaan ng City Social Welfare and Development (CSWD).
Nakuha mula sa mga suspek ang pitong cellphone, WiFi router, USB flash drive, at mga gamit na may kaugnayan sa droga.
Dahil sa sama-samang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya, mabilis na na-rescue ang mga bata at nadakip ang mga suspek.
Ang operasyon ay isinagawa ng Iligan City Police, Anti-Cybercrime Unit, at Women and Children Protection Center sa Brgy. Tipanoy, Iligan City.
Suportado rin ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at International Justice Mission upang matiyak ang hustisya para sa mga bata.